PROLOGUE
Maglilimang taon na ang lumipas nang itago ni Savanah ang anak nila ni Duke. Natakot siya dahil ayaw niyang mangyari ang huli nitong sinabi sa kan'ya. Hindi niya malilimutan ang nakaraan noong huling may nangyari sa kanila. Pinaubaya niya ang sarili nito kay Duk dahil sinira niya ang nalalapit na kasal nila ni Duke at Alona. Ang kaibigan ni Savanah. Upang hindi lang matuloy ang kasal niya sa isang matanda na halos kasing edad lamang ng kan'yang mga magulang.
Masaya si Savanah habang naglalakad pauwe sa maliit na bahay na tinitirahan kasama ang anak niyang si Ethan. Bukas na bukas ay kaarawan niya na at mag-aapat na taong gulang na ito. Dahil sa sabik ang anak niya na mabilhan siya na bagong laruan. Napabili agad si Savanah ng paboritong laruan na nilalaro niya na remote controler na sasakyan. Kahit papaano sa kakarampot niyang kita sa paglalako ng mga isda sa palengke ay nairaraos naman niya ang mga pang araw-araw na pangangailangan nilang dalawa ng kan'yang anak.
Sa tuwing umaalis naman siya ay may kasama naman itong nagbabantay sa anak niya. Ang lola lolahan nito sa kapit-bahay nila. Maayos naman ang bata at panatag ang kan'yang loob sa tuwing umuuwe siya dahil hindi naman siya pinapabayaan ni lola Ester.
Pagtapak niya sa tapat ng pinto. Bitbit ang isang malaking plastik na naroon ang kan'yang advance gift sa anak nito. Bumuntong hininga muna si Savanah bago niya pihitin ang saraduhan ng pintuan. Nakangiting pumasok siya sa loob ng kanilang bahay at hinanap niya agad ang anak nito. Nangunot ang noo niya dahil dati-rati ay sinasalubong na siya at nagpapakarga ito agad sa kan'ya. Pero ngayon lang nangyari ito sa kan'ya na hindi siya sinalubong ng kan'yang anak. Hindi naman siya nakaramdam ng pagdududa dahil nanatiling kalmado siya. Hinanap niya ito sa kung saan at baka naglalaro lang ito. Pero doon na siya unti-unting kinakabahan dahil halos nalibot na niya ang maliit nilang tirahan.
"Ethan..." Sambit nito na halos manlambot ang buo niyang katawan hanggang sa napaupo na ito sa maliit niyang sofa. Unti-unting nagsisilaglagan ang mga luha niya sa mga mata nito. Ang hawak niyang regalo sa anak nito ay mariin niya itong niyakap. "Ethan anak... Nasaan ka..." Mariing napapikit siya ng mga mata nito. Doon na siya napahagulhol ng iyak. Dumating na ang kan'yang kinatatakutan. Ang kunin sa kan'ya ang anak nito. Hindi niya kayang mawalay sa kan'yang anak dahil siya na lang ang natitirang pamilya nito.
Nagtungo agad siya sa bahay ni lola Ester para makahingi ng tulong. Kailangan niyang lumuwas ng Maynila para bawiin ang anak niya kay Duke Monteclaro. Alam niya kung saan nakatira ang ama ng bata. Kahit gabihin man siyang makarating ng Maynila ay hindi na iyon iniisip pa ni Savanah.
"Lola Ester..." Naiiyak na sambit nito. Napalingon agad si lola Ester nang bumungad ito sa kusina habang siya ay nagluluto ng pang hapunan nito. Iniwan niya niluluto nito. Kita niya ang panghihina ng katawan ni Savanah. Nilapitan niya ito agad.
"Anong nangyari Savanah?" Dinaluhan niya agad ito ng yakap. Nag-alala si lola Ester kaya't binigyan niya muna ito ng tubig dahil hindi naman niya ito mapatigil sa paghikbi. Hindi niya ito makausap ng maayos kung patuloy siya sa pag-iyak.
"Ikwento mo na sa akin Savanah. Bakit ka ba umiiyak?" Tanong nito nang mahimasmasan na ito.
"Si Ethan po-" Naputol ang kan'yang sasabihin nang sumama na naman ang pakiramdam niya. Parang tiintusok-tusok ng maraming karayom ang kan'yang puso. Kung kailan kasi birthday ng kan'yang anak ay doon pa ito kinuha ni Duke. Hindi niya alam kung paano niya natagpuan itong lugar kung saan sila nagtatago ng kan'yang anak.
"Bakit si Ethan?" Nasa boses nito na kinakabahan siya habang inaalo ni lola si Savanah.
"Si Ethan po lola... Kinuha na po siya ng kan'yang ama. Wala si Ethan sa bahay kaninang umuwe ako," nahihikbing saad nito.
Halos hindi makaimik si lola dahil maging siya din ay nagulat.
"P-Paanong nangyari iyon? Sabi kasi ni Ethan na umalis na daw ako dahil tumawag ka daw sa kan'ya na pauwe ka na daw. Gusto ka niyang salubungin kada uwe mo ng hapon. Gusto niyang ipagmayabang sayo na goodboy daw siya. Tapos ganito lang maabutan natin. Paano pa natin siya hahanapin Savanah? Maggagabi na din iha," malungkot na saad niya.
"May naisip na po akong paraan lola. Samahan niyo po ako kina Tyron." Na halos mabingi si lola sa sinabi ni Savanah. Yung Tyron na sinasabi nito ay siya yung lalaking matagal na nanliligaw kay Savanah na handang maging ama para kay Ethan.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Mag-isip ka muna bago ka magpadalos-dalos sa gagawin mo," ani ni lola.
"No choice na po lola kaysa ilayo sa akin ni Duke ang bata. Please samahan niyo na po ako."
"Oh sige... Para kay Ethan." Nakangiting ani nito.
Nagtungo sila sa mansyon ng mga Villamores. May kalayuan ito mula sa kanila kaya kailangan pa nilang mag-arkila ng tricyckle makarating lang sila roon. Kalaunan, narating na nila ang mansyon ng mga Villamores. Kaagad na hinanap nila si Tyron sa guwardiyang nakabantay sa may gate. Hindi nagtagal ay palabas na si Tyron sa magarang pintuan ng kanilang mansyon.
Rumehistro sa mukha ni Tyron ang pagtataka kung bakit biglang pumarito si Savanah.
"Savanah.." sambit nito pero bigla na lang niya hinawakan ang kamay ni Tyron. Ramdam ni Tyron ang panginginig ng mga kamay ni Savanah. "May nangyari ba kay Ethan?" Nakakunot niyang tanong.
"Oo Tyron. Si Ethan... Please tulungan mo kong mabawi ang anak ko. Hindi ko kayang ilayo siya sa 'kin ng kan'yang ama," hagulhol niyang sabi.
"What?" Halos magulat sila ni lola dahil sa pagkabigla niya. Mukhang nagalit pa ito sa kan'yang narinig. Hindi pa ata maproseso sa utak niya ang ang nalaman ito. Napamahal na din kasi siya sa bata kaya ganoon ang reaksiyon niya.
"Huwag na kayong magtitigan na dalawa Umalis na kayo at habulin niyo na si Ethan. Baka tuluyan na hindi natin siya makita," ani ni lola.
"Okay, we're leaving Savanah. Kukunin natin si Ethan."
Impit ang pagngiti niya. Hindi siya sigurado kung mababawi pa nga nila ang anak niyang si Ethan. Dahil ang isang Duke Monteclaro ay sukdulan ang galit nito sa kan'ya dahil hindi natuloy ang kasal ng kaibigan niyang si Alona
Lumipas ang maraming oras na biyahe. Halos liparin ni Tyron ang biyahe papuntang Maynila kaya hindi nagtagal ay narating naman nila ang Subdivision kung saan nakatira si Duke. Ngunit sa pagtungtong nila doon ay nahirapan pa sila na makapasok sa loob ng Subdision dahil sobrang higpit ng mga guwardiyang nakabantay doon.
Dahil isang politiko ang ama ni Tyron nang magpakilala siya ay agad naman sila pinapasok sa loob ng Subdivision.
Dumiretso agad sila sa mansyon ni Duke. Pero dahil sa higpit ng mga guwardiyang nakabantay sa mismong gate ay hindi sila binigyan ng permiso para makapasok sa loob. Malalim na ang gabi kaya tulog na din ang mga taong nasa loob ng mansyon. Dahil sa labis na pangungulila niya sa anak nito ay hindi na nakatiis si Savanah. Sumigaw siya ng pagkalakas-lakas mula sa labas ng matayog na gate. Alam niyang nariyan ang kan'yang anak sa loob. Pursigido na siya sa nais niyang gawin makuha lamang ang anak nito.
"Ethan anak! Narito na si mama! Please lumabas ka na riyan anak!" Sigaw nito.
Napasinghap si Tyron. Alam niyang hindi tama ang ginagawa niya lalo na't pwede siyang makasuhan sa ginagawa nito. Dis oras ng gabi pa naman.
"Savanah! Hindi ito ang tama para makuha ang anak mo. Ipagpabukas na natin okay."
"Hindi Tyron. Gusto kong maiuwe agad ang anak ko," at nag-uumpisa na naman magilid ang mga luha sa mata nito.
Kinalampag pa nito ang gate na bakal na may hawak siyang bato upang magsanhi ito ng malakas na ingay. Napalabas tuloy ang guard dahil sa ginawa niyang pambubulabog. Ngunit hindi niya inaasahang makita ang lalaking ama ng kan'yang anak na si Duke.
Nanlisik ang mga mata ni Duke nang makita niyang muli ang babaeng sumira sa nalalapit sana niyang kasal kay Alona. Hanggang ngayon ay ramdam pa din ni Duke ang poot at galit niya sa babaeng siya ring sumampal sa kan'ya noong patungo sila sa Milan.
Tumaas ang sulok ng labi ni Duke. "Are you here to take and hide Ethan from me? My son.." Mas lalong naging marahas ang mga mata niyang nakatitig kay Tyron. "You can't take him away from me because he's permanently mine. You can never get him back my real son. You cannot deny that he is not my son. It took me a long time to get the child DNA tested. Now I have a reason to take my child from you. Mula ngayon sa akin na siya titira. But if you want to see your child everyday. Payag naman ako na makasama mo siya rito bilang kan'yang yaya," sabay talikod niya matapos niyang sabihin ang lahat nito kay Savanah.
Napailing ng husto si Savanah. Halos hindi maproseso ng kan'yang utak ang huling sinabi niya. Hindi siya makapaniwala na gagawin lang siyang yaya ng kan'yang sariling anak makasama lamang ang anak nito.